Pinako sa krus si Jesus: Lucas 19–23

Nagtapos ang misyon ni Jesus sa isang linggo na puno ng pagtatalo hanggang sa sumapit ang pagdiriwang ng Paskuwa. Sa video na ito, pag-uusapan ang Ebanghelyo ni Lucas 19–23, at kung paanong si Jesus, kahit walang kasalanan, ay pinatay na parang rebeldeng kalaban ng Roma. Makikita din natin na hindi na nagulat si Jesus, kasi naniniwala siya na ang kanyang kamatayan ang magbubukas ng bagong kinabukasan para sa Israel, at sa lahat ng mga tao.