Ang Nawawalang Anak: Lucas 9–19
Ang ikatlong bahagi ay tumatalakay sa pinaka-sentro ng Ebanghelyo ni Lucas. Pinagpatuloy ni Jesus ang kanyang radikal na pangangaral tungkol sa magandang balita para sa mahihirap habang naglalakbay siya papunta sa Jerusalem. Pinatindi nito ang di-pagkakasundo sa pagitan niya at ng mga lider ng relihiyon sa Israel. Ang problemang ito ang magiging konteksto para sa sikat na kwento tungkol sa Nawawalang Anak.